Pili-pili Ko Lang

Month

December 2011

13 posts

Dec 27, 20111,199 notes
Dec 22, 20112,605 notes
Dec 21, 2011376 notes
Play
Dec 21, 20114 notes
#The Dark Knight Rises #Batman #Christopher Nolan #Anne Hathaway #film
Dec 20, 201192 notes
Dec 20, 2011522 notes
Dec 19, 2011598 notes
Dec 19, 20116 notes
Dec 19, 20114 notes
#Friends With Benefits #Ligo na U Lapit na Me #No Other Woman #No Strings Attached #film #intimacy #love
Dec 17, 2011309 notes
Dec 17, 20111,349 notes
Dec 17, 2011461 notes
Isang Pamilyang Kapampangan


Si Brillante Mendoza. Dahil sa mga pelikula niyang mabigat sa mga isyu ng lipunan, humakot siya ng maraming gawad mula sa iba’t ibang film festivals. Sa pagbibigay-diin niya sa mga problema ng bansa, halos ‘di mo aakalaing kaya pa niyang gumawa ng isang simpleng pelikula. Hanggang sa dumating ang Kaleldo.  Sa halip na magpokus ang pelikula sa mas malalawak na paksa, ang Kaleldo ay simple lang at marahil ang kaisa-isa niyang pelikulang makamasa. Pero ang tinatalakay nito ay isang napakahalagang aspeto ng ating pagka-Pilipino - ang pamilya.

 

Mula sa kasal ng bunsong si Grace (Juliana Palermo), iikot ang kwento ng Kaleldo sa buhay ng tatlong Kapampangang magkakapatid sa loob ng pitong taon. Gamit ang tatlong elemento ng kalikasan (hangin, apoy, tubig), ipapakita sa atin ni Brillante na may iba-ibang tinatagong problema ang magkakapatid na babae. At ang suliranin nilang lahat ay umiikot sa relasyon nila sa ama. Matagal nang may pagtatampo si Grace sa mga magulang niya dahil sa tingin niya’y lagi siyang pinagkakaitan kesyo manok man iyan o magandang edukasyon. Ang pangalawa namang si Lourdes (Angel Aquino) ay may asawa na (isang agresibong Alan Paule) pero lihim itong nakikipagkita sa kanyang manager na tumutulong sa bangko ng kanyang ama. Ang pinakamabigat na pasanin ay nasa panganay (Cherry Pie Picache). Si Jess ang tumayong bantay sa nanghihina nilang ama na si Rudy (Johnny Delgado) at siya din ang bumubuhay sa negosyo ng pamilya, pero kahit gayon ay hindi maganda ang pakikitungo ni Rudy sa kanya. Bumigat lalo ang loob niya dahil sa ‘di pagtanggap ng pamilya sa nobya niyang si Weng (Criselda Volks).

 

Homosexuality, relihiyon, feminism – halu-halong mga isyu ang binabato ni Brillante sa Kaleldo. Pero malinaw na ang paksa ng pelikula ay ang kalupitan ng patriyarkal na pamilyang Pilipino. Pinapakita nina Mendoza at Boots Agabayani Pastor (ang sumulat ng pelikula) sa melodramang ito ang opresibong kondisyon ng mga babae sa ilalim ng malupit nilang ama. Kahit ganito ang nararanasan nila, wala silang tapang para umalis sa bahay niya. Pero may pagkukulang man ang ama ay makikita pa rin ang pagmamahal niya sa mga anak. Halimbawa nito ay ang nangyaring habulan ni Lourdes at ng nagwawala niyang asawang si Andy. Kung hindi pa tumayo ang ama at niligtas ang kanyang anak, marahil napatay na si Lourdes. Mapapansin din na ang Kaleldo ay hindi lamang umaasa sa dayalogo upang magkwento. Hinahayaan ni Brillante na magkwento din ang mga larawan. Kahit mismong lalawigan ng Pampanga ay may kinukwento sa pagitan ng mga eksena ng mag-anak. Mahalagang malaman na hindi kuntento si Mendoza sa isang tuloy-tuloy lang na usapan at pagtutunggali - kailangang may mga simbolismo.

 

Sa kaso ng Kaleldo, humarang lang ang paggamit niya ng simbolismo sa epektibong pagkukwento niya. Para saan ang mga patak ng dugo sa tubig? Ang batang pinalamutian ng confetti? Ang masisidhing penitensya? Sa pagpapalalim niya ng kwento gamit ang mga ito, imbis na sagot ang ibigay niya ay puro katanungan lang ang nabubuo sa isipan ng manunuod. Pero sa kabila nito, mahusay ang pagkakakuha ng pelikula. Si Odyssey Flores ang sinematograper ni Brillante at ang ginamit niyang istilo sa Kaleldo ay taliwas sa documentary style na ginamit nila sa ibang pelikula. Sa paghawak niya ng kamera, napakita nang lubusan ang ganda ng Pampanga at mahusay din ang angles na ginamit niya sa tunggalian ng mga tauhan. Magagaling ang mga aktor na kinuha ni Brillante para sa pelikula, pero nakakagulat ang kahinaan ng pag-arte nila dito. Para silang mga puppet na nakatali sa direktor, hindi na sila halos mga tao. Pero marahil may isang nakatakas pa sa pagiging kahoy – si Cherry Pie Picache. Kailanma’y maasahan, ginampanan niya ang papel ni Jess, isang tomboy na labis ang pagmamahal sa pamilya. Makikita sa mga mata niya ang paghihirap, sa ngiti naman niya’y lungkot. Sa kanya mo lubos na makikita ang dinulot ng kalupitan ng ama. Nasa kanya ang ating awa, at hanggang sa dulo’y  nadala tayo sa masisidhing emosyon ng pagganap ni Cherry Pie. Marahil isa na ito sa pinakamahuhusay niyang pagganap sa mahaba niyang karera.

 

Inamin ng direktor na ito daw ang “audience-friendly” niyang pelikula. Matuturing mo ngang ganoon dahil limitado ang pahuhubad at karahasan, pero hindi siya nababagay sa ganito. Kinatay, Serbis, Foster Child, Masahista… ang puso ng direktor ay wala sa pangmasa kundi sa indie. Pero maganda na ring sinubukan niya. Hindi man naging epektibo para sa paksa ang direksyon ni Brillante Mendoza, ang Kaleldo ay nananatiling isang maganda’t kakaibang paglalarawan ng Pampanga at ng kulturang Kapampangan. - Gio Potes, September 2011

 

Dec 15, 20114 notes
#Kaleldo #Brillante Mendoza #film #Kapampangan #pelikula
Next page →
2011 2012
  • January 6
  • February
  • March 4
  • April 1
  • May
  • June
  • July
  • August 1
  • September
  • October
  • November
  • December
2011 2012
  • January
  • February
  • March
  • April
  • May
  • June
  • July
  • August
  • September
  • October
  • November
  • December 13